IMPORMASYON TUNGKOL SA PAGTUGON SA PANAHON NA WALANG PASOK
- 公開日
- 2020/04/14
- 更新日
- 2020/04/14
学校日記
Naglabas ang Aichi Prefecture ng sarili nitong state of emergency noong 4/10th (Fri) kung kaya tumagal hanggang 5/6 (Wed) ang pagsara ng paaralan.
◆TUNGKOL SA ARAW NG PASOK
・Itatakda namin ang 4/20 (Mon) at 4/21 (Tue) bilang araw ng may pasok (Bukas ang Classroom for Voluntary Attendance).
・Pangunahin ng ihahatid at sundo ng mga magulang ang bata sa pagitan ng oras na 8:30〜16:00. Gayunpaman, pakisuyong tumawag sa class adviser kung hindi ito magagawa.
・Pagkapasok, susuriin namin sa pasukan ng bawat grade ang kalagayan sa kalusugan ng mga bata. Pagkatapos ay pumunta sa classroom ng inyong anak kung saan naghihintay ang class adviser. Kung makikilahok ang inyong anak sa “Classroom for Voluntary Attendance”, pakisuyong pumunta sa classroom ng inyong anak kapag maghahatid-sundo.
・Ang pagsusuri sa kalusugan ay gagawin gamit ang “Health Checklist” na ipinamigay noong 4/6 (Mon). Pakisuyong isulat ang temperatura ng katawan at kalagayan sa kalusugan bago ito ipasa sa reception. Gayunpaman, may kinalaman sa pagsukat ng temperatura ng katawan at pag-obserba sa kalusugan, pakisuyong patuloy itong iulat sa checklist hindi lang sa araw na papasok sa paaralan kundi kabilang rin ang araw ng Sabado at Linggo. Karagdagan pa, pakisuyong gumawa ng mga hakbang sa pagpasok tulad ng pagsuot ng mask at iba pa upang maiwasan ang pagkahawa.
・Bukod sa e-Library, naghanda rin kami ng mga materyal na mapag-aaralan kada grade na ipapamigay namin upang maipagpatuloy ang pag-aaral sa bahay.
・Ang mga kailangan ipasa sa araw ng pagpasok ay makikita sa “登校日の持ち物 – MGA KAILANGAN DALIN SA ARAW NG PASOK” na nasa ilalim ng “学校配布文書 - MGA DOKUMENTO NA IPINAMAHAGI NG PAARALAN” kung kaya pakisuyong tignan ito.
・Magpapamigay kami ng mga materyal sa pag-aaral kung kaya pakisuyong magdala ng hand bag.
Mga Kailangan Dalin sa Araw ng Pasok
Naglabas na ng state of emergency kung kaya pakisuyong huwag lumabas ng hindi kinakailangan, iwasan na magkasabay-sabay ang tatlong kondisyon (saradong lugar na walang bentilasyon, madaming tao, pakikipag-usap o pagsasalita ng malapit) at mag-ingat ng mabuti sa pangangalaga sa kalusugan. Kung may sintomas ng sakit tulad ng lagnat ang mismong estudyante o miyembro ng pamilya, pakisuyong huwag ng pumasok at tumawag sa class adviser.
Gayunpaman, pakisuyong isaalang-alang na maaaring magkaroon ng pagbabago depende sa pagkalat ng nakakahawang sakit at tagubilin mula sa Aichi Prefecture Board of Education at Anjo Board of Education.