学校日記

Patungkol sa pagbubukas ng Classroom for Voluntary Attendance

公開日
2020/04/10
更新日
2020/04/10

学校日記

Dahil sa pagpapatupad ng biglaang pagsasara ng mga eskuwelahan simula April 7th (Tue), magbubukas po ang「Classroom for Voluntary Attendance」simula April 8th (Wed).
Alinsunod dito, maaari po lamang na i-check ang liham na「Patungkol sa paggamit ng school facilities sa panahon ng Temporary Closing Period」na galing sa Anjo City Board of Education. Ito po ay nakapaloob sa「Kasulatan na galing sa eskuwelahan」na matatagpuan sa homepage ng eskuwelahan. Kasabay nito, maaari po lamang na i-check din ang mga pakiusap mula sa eskuwelahan patungkol sa pag-gamit ng「Classroom for Voluntary Attendance」.

【Pakiusap patungkol sa pag-gamit】
*Maaari po lamang na itawag muna sa eskuwelahan kung gagamitin ito.
*Bukas po ang classroom simula 8:15~15:00. Generally, ang oras po ng paghatid-sundo ay kagaya ng sumusunod.
Paghatid… 7:45~8:15
Pagsundo… 15:00~15:30
*Kung aattend po, maaari po lamang na pumasok sa south hall entrance papunta sa classroom na pag-aaralan.
*Sa oras ng pag-uwi, maaari po lamang na pakisundo ang inyong mga anak mula sa classroom na kinaroroonan nila. Nakapaskil po sa south hall entrance ang mga designated classroom.
*Kung aattend po sa voluntary attendance, pakisagutan po lamang ang 「health check sheet」na ibinigay noong April 6th at ipasa ito sa guro na naroon. Gayon din, sa oras na hindi makapagpasa ng 「health check sheet」, magsasagawa ng body temperature test at health monitoring. Para mapigilan ang malawakang paglaganap ng impeksyon, may mga pagkakataon na hindi papayagan na dumalo sa voluntary attendance na ito, depende sa estado ng kalusugan ng estudyante. Maaari po lamang na pagtibayin ang health management ng inyong mga anak, at kung maaari po ay huwag nang padaluhin sa voluntary attendance kung may lagnat o di kaya’y sintomas ng ubo’t sipon o ng panlalambot ng katawan.

Gayon din, may mga pagkakataon na ito ay magbabago depende sa estado ng paglaganap ng impeksyon o sa utos ng Aichi Prefecture Board of Education o ng Anjo City Board of Education. Kung magkakaroon ng pagbabago, ipapaalam po namin ito sa inyo sa pamamagitan ng email o sa homepage ng eskuwelahan.